Sa kaniyang panayam ka Toni Gonzaga, emosyonal na ibinahagi ni Kapuso actress Andrea Torres ang tungkol sa kaniyang miracle brother na na-diagnose na may “Down syndrome with slight autism.”

Ani Andrea, bata pa lang ay hindi na tinago ng kaniyang mga magulang ang kondisyon ni Kenneth.

“Nung lumalaki siya, maraming questions: bakit hindi pa siya nakakapagsalita, bakit hindi siya makalakad pa,” ani Andrea.

Pagbabahagi ng aktres, ang kaniyang kapatid ang nagpalakas din ng kanilang pananampalataya sa Diyos.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Through him, parang naging solid ‘yung faith namin kasi ang daming miracle sobra,” aniya.

Hindi rin napigilan maluha ng aktres nang ibahagi ang kamakailang sunod-sunod na operasyon ng kapatid matapos ma-diagnose ng multiple organ failure.

“Sinabihan na kami na two weeks na lang daw. Syempre kami alam naman naming na hindi mahaba ang lifespan nila pero ‘di ka naman magiging ready ‘di ba?”

Sa kabila ng komplikadong mga operasyon, dahil sa pananalig ng pamilya ni Andrea, isang milagro umano ang nangyari kay Kenneth dahilan para bigla na lang itong bumuti ang lagay at tuluyan nang makansela ang ilan pa sanang mga operasyon nito.

“Ngayon, he’s with us. Under maintenance siya ng mga gamot pero happy, healthy at strong [siya].

Pag-amin ni Andrea, si Kenneth at ang kaniyang pamilya ang rason sa likod ng kaniyang pagpupursige sa showbiz.

“Damay sila sa success ko. Hindi pwedeng ako lang,” anang aktres.

Isa namang pangarap ang nais na matupad ng aktres sa tinatamasang career sa showbiz

“Gusto ko magka-movies. Gusto ko magka-endorsements. Gusto ko magkaroon ng foundation especially doon sa kapatid ko. Gusto kong buhayin ang awareness ng tao sa Down syndrome,” ani Andrea.

"Hindi ako confrontational na tao pero meron pa ring nagjo-joke about them. Minsan may nakakahalubilo ako, ginagaya nila."

Hiling ni Andrea para sa kapatid ang mamuhay ito nang malaya sa diskriminasyon.

"Minsan syempre ‘pag nilalabas mo nila minsan may nai-iritate pa rin na parang, ‘Minsan na lang siya makalabas hindi naman niya alam ang ginagawa niya. ‘Di naman siya aware,’” saad ng aktres.