Tinanggal sa puwesto ang 17 na tauhan ng Paco Police Community Precinct sa Maynila matapos maaresto ang tatlo sa mga ito sa dahil sa reklamong robbery-extortion kamakailan, ayon sa Philippine National Police (PNP).
"Ngayong umaga po ay isa po diyan sa ire-relieve po ng ating district director ng MPD (Manila Police District) ay 'yun pong buong personnel ng Paco substation," pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin sa isinagawang pulong balitaan.
Kaagad namang kinumpirma ni MPD Spokesperson Maj.Philipp Inesang nasabing usapin.
Kasama sa 17 na sinibak sa posisyon ang police commander ng naturang police community precinct.
Aniya, isasailalim sa refresher course sa Camp Bagong Diwa ang 17 na pulis sa loob ng 45 na araw.
Nag-ugat ang usapin nang madakip ang tatlong pulis ng nasabing presinto dahil sa umano'y pangongotong ng₱2,000 sa isang driver kapalit ng na-impound na tricycle nito.
Pansamantalang itatalaga sa nasabing presinto ang mga tauhan ngMobile Force Battalion.
"Bantayan po natin ang mga kasamahan natin at we caution them kung sila man po ay gumagawa ng hindi maganda at hindi naaayon sa mandato na dapat natin, dapat nilang gawin bilang pulis, then they should be out, they should be relieved, and they should be sent to training," banta naman ni Azurin.