Humingi ng paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa naging aberya sa pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral na nangangailangan, na tatagal hanggang Setyembre 24, at ipamamahagi kada Sabado.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagdagsa ng mga tao, at may ilang nagka-stampede pa, hindi nabigyan ang lahat. Kaya naman, humingi ng paumanhin si Tulfo sa mga nangyari.

"WE ARE VERY SORRY…" pahayag ni Tulfo sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Agosto 20.

"Sa mga galit po sa amin ngayon dahil hindi po namin natulungan today…ang amin pong taos-pusong paumanhin. WE WILL DO BETTER NEXT SATURDAY AT SA DARATING NA LIMANG SABADO."

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sinabi ni Tulfo na ang nakikita nilang solusyon ay makipagtulugan sa mga local government unit upang maipamahagi ang mga ayuda.

"Ang amin pong nakikitang solusyon…ILALAPIT na po namin sa inyo ang educational assistance sa tulong po ng mga taga-City Hall at munisipyo na malapit sa inyong tirahan."

"WAG po kayong mag-alala dahil ang DSWD pa rin po ang mamimili ng mga benepisyaryo para maiwasan ang palakasan, kapit, at padrino. Katuwang na rin po namin ang DILG sa proyektong ito."

"At sa mga nabigyan na po ng stub at pina-fill up na ng form today, tatawag o magtext po kami para sa iskedyul kung kailan ibibigay namin ang inyong educational assistance mula Lunes hanggang Biyernes next week sa mga DSWD offices namin.

SO SORRY PO ULI…."

Ngayong Linggo, Agosto 21, muling nagbigay ng update si Tulfo tungkol sa mga natulungan ng DSWD sa kanilang isinagawang pamamahagi ng cash assistance. Umabot umano sa ₱141M ang naipamahaging tulong sa mga deserving na mag-aaral.

"As of August 21, 3:00 am final report po sa akin nationwide."

"48,000 (Both online applicants at walk in) ang natulungan ng DSWD sa unang Sabado ng educational assistance program ng DSWD."

"Umabot po sa 141 million ang naipamigay kahapon sa mga estudyante sa buong bansa."

"SA MGA DARATING NA SABADO, KATUWANG NA NAMIN ANG DILG AT MGA LGU. MAGTUTUNGO NA PO ANG DSWD SA INYO AT ANG PAYOUT AY GAGAWIN NA NAMIN SA MGA LUNGSOD AT BAYAN PO NINYO."

"BABAWI PO KAMI NEXT SATURDAY."

"SORRY PO ULI…" muling paghingi ng paumanhin ni Tulfo.