Nagbigay ng update si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo hinggil sa unang araw ng pamamahagi ng cash assistance o ayudang pinansyal sa deserving na estudyanteng nangangailangan nitong Sabado, Agosto 20.

Nagsimula ang pamamahagi ng ayuda kahapon ng Sabado ngunit hindi lahat ay nabigyan dahil sa pagdagsa ng mga estudyante sa iba't ibang tanggapan ng DSWD. Agad na humingi ng dispensa sa publiko si Tulfo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/21/we-are-very-sorry-dswd-sec-erwin-tulfo-humingi-ng-dispensa-dahil-sa-aberya-kaugnay-ng-ayuda/">https://balita.net.ph/2022/08/21/we-are-very-sorry-dswd-sec-erwin-tulfo-humingi-ng-dispensa-dahil-sa-aberya-kaugnay-ng-ayuda/

Ayon kay Tulfo, umabot umano sa ₱141M ang naipamahaging tulong sa mga deserving na mag-aaral, na umabot naman sa 48K.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"As of August 21, 3:00 am final report po sa akin nationwide."

"48,000 (Both online applicants at walk in) ang natulungan ng DSWD sa unang Sabado ng educational assistance program ng DSWD," aniya.

Muling humingi ng paumanhin si Tulfo sa naging aberya at ipinangakong babawi sila sa susunod na mga Sabado. makikipagtulungan na umano sila sa local government units upang mas mapabilis ang pamamahagi ng ayuda.

Tiniyak din ni Tulfo na bubusisiin nila ang mga aplikasyon upang walang mangyaring palakasan o padrino sa pagpili ng makatatanggap ng ayuda.

Ang mga mag-aaral sa elementarya ay maaaring makatanggap ng ₱1K, ang Junior High School naman ay ₱2K, ang Senior High School ay ₱3K, at ang mga nasa kolehiyo at kursong vocational ay ₱4K.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/18/indigent-students-makatatanggap-ng-financial-aid-kada-sabado-dswd/">https://balita.net.ph/2022/08/18/indigent-students-makatatanggap-ng-financial-aid-kada-sabado-dswd/