BAKUN, Benguet – Makalipas ang apat na araw na paghahanap sa isang magsasaka na inanod ng rumaragasang ilog ay natagpuan na ang bangkay nito sa Bakun River, Likew Section, Barangay Sinacbat/Poblacion, Bakun, Benguet.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), dakong alas 9:45 ng umaga, Sabado, nang matagpuan ang biktimang si Mateo Dal-it, 46, ng Sitio Dalingoan, Sinacbat,Bakun,Benguet.
Nakita ang bangkay nito na naka-stuck sa pagitan ng malaking baton a pinaniniwalaang naipit hanggang sa malunod, may 150 metrong layo na kung saan ay inanod ito ng ilog.
Matatandaan, noong Agosto 17, dakong alas 9:00 ng umaga ay iniulat sa Bakun Municipal Police Station na inanod ang biktima at hindi ito nakita.
Sa imbestigasyon, ang biktima kasama si Bobby Atoling, 58, ng Sitio Beyeng ay resident of Beyeng, Sinacbat ay may dalawang dalang baka mula sa Poblacion at naglalakad patungo sa Sinacbat Trail.
Habang papatawid ang dalawa sa Bakud River, inalalayan ni Dal-it ang unang baka na hilahin ang tali nito na makatawid sa ilog, subalit sa ikalawang pag-alalay habang hinihinala ang ikalawang cow ay nawalan ito ng balance ay inanod ang biktima ng malakas na daloy ng tubing.
Dahil sa mabilis na agas ng tubig ay hindi na magawang lumangoy ni Atoling para iligtas ang kaibigan habang papalayo sa lugar.