Aprub na aprub at tiyak na panunuorin daw ng original cast ng Flower of Evil na si Lee Joon-Gi ang Philippine adaptation ng Korean hit series.

"I heard about this! from my Phillipines family yeah I will check this out. And it will be great very happy to see you guys," anang aktor sa kanyang Instagram post na ipinakita ang poster ng PH adaptation ng nasabing series.

View this post on Instagram

A post shared by 배우 이준기 (@actor_jg)

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang Flower of Evil ay isang South Korean series na pinagbibidahan nina Lee Joon-gi, Moon Chae-won, Jang Hee-jin, at Seo Hyun-woo. Ito ay ipinalabas sa tvN mula Hulyo 29 hanggang Setyembre 23, 2020, at nag-stream sa buong mundo sa Netflix, iQIYI, Viki at ViuTV.

Ang kwento nito ay umiikot kay Baek Hee-sung (Lee Joon-gi), isang lalaking nagtatago ng kanyang pagkakakilanlan at nakaraan mula sa kanyang asawang si Cha Ji-won (Moon Chae-won), isang detektib. Sa panlabas, mukhang perpektong pamilya sila — isang mapagmahal na mag-asawa na may magandang anim na taong gulang na anak na babae na sumasamba sa kanyang mga magulang.

Si Cha Ji-won at ang kanyang mga kasamahan ay nagsimulang mag-imbestiga sa isang serye ng mga hindi maipaliwanag na pagpatay at nahaharap sila sa katotohanan na ang kanyang tila perpektong asawa ay maaaring may itinatago sa kanya.

Ang remake nito sa Pilipinas ay pinangungunahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.

Sa direksyon ni Darnel Villaflor at Richard Arellano, ang series ay pinagbibidahan din ng mga aktor na sina Agot Isidro, Edu Manzano, Denise Laurel, Joross Gamboa, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joko Diaz at JC de Vera.

Tulad ng orihinal, ang bersyon ng Pilipinas ay umiikot sa kwento ni Jacob (Piolo Pascual), na nagbago ng kanyang pagkakakilanlan upang itago ang isang madilim na nakaraan, pinananatili ang pagbabalatkayo habang siya ay ikinasal at nagsisimula ng isang pamilya kasama ang kanyang asawa, si Iris (Lovi Poe).

Mapapanood ang series sa video streaming provider na Viu tuwing Huwebes at Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, at Jeepney TV kada Sabado at Linggo.