Inamin ni Harnaaz Sandhu na nasaktan siya sa tinamong pambabash matapos ang pinag-usapang weight gain ilang buwan lang matapos koronahan bilang Miss Universe 2021.

Sa isang panayam sa programang “The Daily Show with Trevor Noah” kamakailan, natalakay ng reigning queen ang kaniyang adbokasiyang menstrual equity.

Dito ibinahagi ni Harnaaz ang ilang karanasanan sa iba’t ibang bansa kagaya ng Pilipinas, Thailand, Vietnam at South Africa na parehong may kapabayaan aniya pagdating sa kalusugan ng mga kababaihan.

Napag-usapan din sa panayam ang inabot na pambabatikos ni Harnaaz dahil sa kaniyang weight gain.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Anang titleholder, hindi nasusukat sa panlabas na anyo ang halaga ng isang tao bagkus ang kaniyang pagtrato sa kapwa.

Ngunit pag-amin ni Harnaaz, nasaktan din siya sa mga pambabatikos.

“I was really disheartened people bashing me for my weight gain but I didn’t let them describe me. There are young girls, like seven, six-year-old girls and even boys, looking up to me and if they see me being timid; if they see me being not strong enough, I don’t think that would be the right way to be that impactful person or inspire them,” ani Harnaaz.

“I want to tell them that inspiration starts within you. If you inspire yourself that’s how you can inspire a lot of people,” dagdag niya.

Basahin: Weight gain ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu, sanhi pala ng isang uri ng food allergy – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Abril, isiniwalat ni Harnaaz na mayroon siyang isang uri ng food allergy dahilan ng pagbabago sa kaniyang katawan.

Nauna nang ipinagtanggol ni Miss Universe 2018 Catriona Gray si Harnaaz mula sa bashers.

Basahin: Harnaaz Sandhu, pinuntirya ng body-shamers; Cat, tumalak sa walang ambag na bashers – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I think it’s really unfortunate that the public still finds the need to tear women down in that way. We’re campaigning so hard that beauty queen or titles or Miss Universe should be more than an image,” nalulungkot na saad ni Catriona sa isang panayam.