Isang binatilyo ang buong-loob na naglakbay ng dalawang buwan mula Bukidnon patungong Maynila lulan lang ang kaniyang bisekleta para humingi ng tulong para sa kaniyang lola.

Ito ang umantig sa maraming netizens matapos magpadyak ni Niel Jay Matunding ng 59 araw gamit lang ang ibinigay na bisikleta para idulog ang kalagayan ng kaniyang lola sa programa ni Sen. Raffy Tulfo.

Si Niel, halos abutin ng dalawang buwan sa daan. Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action nitong Agosto 5, matagumpay namang na-meet sa wakas ng binatilyo ang senador.

Dito ibinahagi ni Niel sa programa ang kalagayan ng kaniyang Lola Leonie, 8 6anyos, na mag-isa niyang kasama at mag-isa siyang binubuhay sa tulong ng panlilimos.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Aniya, hindi naging madali para sa binatilyo ngunit naging determinado siyang maglakbay para sa kaniyang Lola Leonie.

Simula Hunyo, nang nilakbay ni Niel ang Surigao noong patungong Liloan hanggang sa marating niya ang San Juanico Bridge ng Leyte at Samar.

Sunod na tinungo ng binatilyo ang Allen Northern Samar hanggang sa marating ang Matnog at Bicol.

Mula Lupi Camarines Sur at nagpatuloy sa pagpadyak si Niel sa Calamba Laguna hanggang sa makarating na ng Maynila.

Sa daan, hindi nakaligtas si Niel sa mga tambay na hindi siya pinaglitas na mapag-tripan.

Hindi rin naiwasan ng binatilyo na mapagkamalang rebelde mula nang unang lumuwas ng Davao mula Bukidnon.

Sa tulong naman ng kapwa siklista, ilang kasundaluhan at kapulisan, naranasan din ni Niel ang makupkop sa daan at matulungan ng mga may mabubuting kalooban.

Sa halagang P700, naitawid ni Niel ang halos dalawang buwang paglalakbay mula Mindanao hanggang Maynila.

Naantig naman maging si Tulfo na nangakong magbibigay ng tulong para sa mag-lola.

Nangako rin ang senador kay Niel at Lola Leonie na bibigyan sila ng hanapbuhay na maaaring makatulong sa kanila nang pangmatagalan.

&t=633s