Lalo lang pinapalawak ng dambuhalang content creator ang kanilang network sa napipintong pagbubukas ng tanggapan ng ABS-CBN International sa Los Angeles, California.

Ito ang inispluk ng Cinema Sala sa isang Instagram post, Sabado na siya ring ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta.

“ABS-CBN International is launching a Los Angeles office and is looking for an assistant/coordinator! This is an exciting opportunity to be part of a legacy while also being involved in starting a company from the ground floor,” mababasa sa anunsyo.

Kabilang sa kwalipikasyon ng role ang karanasan sa “script coverage, networking, organizing meetings, rolling calls, and scheduling.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Dagdag nito, dapat ding “detail-oriented, organized, enthusiastic and interested in learning about different cultures” ang mga candidate.

“ABS-CBN is the first network in SE Asia and one of the oldest commercial television broadcasters in Asia. It is the largest content creation studio in the Philippines, producing shows across the different networks and digital platforms in the Philippines and the Asian region,” dagdag na detalye ng anunsyo.

Target ng tanggapan ng ABS-CBN sa Amerika na mag-develop, mangolekta at bumuo ng mga materyal mula Hollywood na ipapalabas sa Amerika at sa buong mundo.

Kamakailan, matatandaang ikinasa ang partnership deal sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.