Tiniyak ng Department of Education (DepEd) nitong Linggo na 92 porsiyento na ng kanilang teaching at non-teaching personnel ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, ang mga ito aniya ay yaong nakakumpleto na ng kanilang primary series o nakatanggap na ng first at second dose ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Poa na kinukuha pa nila ang impormasyon kung ilan na mula sa naturang bilang ang nakatanggap na ng kanilang COVID-19 booster doses.

Kaugnay nito, muli ring tiniyak ni Poa na magpapatupad sila ng ‘No Discrimination Policy’ sa mga paaralan.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Nangangahulugan ito na ang mga guro at mga estudyante ay maaaring dumalo ng face-to-face classes, bakunado man sila o hindi.

“This is because ang national vaccination program ay hindi mandatory,” paliwanag pa ni Poa, sa panayam sa radyo at telebisyon.

Una nang sinabi ni Poa noong Biyernes na nasa 19% pa lamang ng mga estudyante ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Mahigpit namang pinaalalahanan ni Poa ang mga estudyante, mga guro at mga magulang na mayroon pa ring COVID-19 kaya’t kailangang istriktong sundin ang minimum public health standards sa lahat ng pagkakataon.

Nakikipag-ugnayan na rin naman aniya sila sa Department of Health (DOH) para sa roll out ng mobile COVID-19 vaccinations sa mga paaralan, sakaling nais na ng mga estudyante, mga magulang at mga guro na magpabakuna na.