TUGUEGARAO CITY, Cagayan -- May kabuuang 4,580 na mag-aaral sa Region 2 ang nakatanggap ng cash mula sa Educational Assistance ng Department of Social Welfare and Development.

Sinabi ng DSWD RO2 na ang lalawigan ng Cagayan ay nakatanggap ng pinakamataas na bilang ng educational assistance, 1,370; Isabela na may 861, Nueva Vizcaya na may 1,090, Quirino na may 1,256, at Batanes na may 3 lamang.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kabuuang P11,040,000 ang naipamahagi ng DSWD mula sa iba't ibang tanggapan nito sa Cagayan Valley.

Idinagdag ng ahensya na marami ang hindi pa nakakatanggap ng tulong na pera, ngunit kinuha ang kanilang mga kinakailangan at tatawagan sila kapag mayroon nang tulong pinansyal.

Pinag-aaralan na ng DSWD sa rehiyon ang paraan ng pamamahagi, kung saan makakatuwang ang DSWD sa mga Local Government Units sa pamamahagi ng educational assistance. Samantala, itinanggi ng ahensya ang ulat na kumalat sa social media ukol sa umano'y namatay na buntis na pumila umano sa field office sa Ilagan, Isabela.