May mungkahi ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap sa mga Catholic private school, lalo't isyu ngayon ang isang pribadong paaralan sa Quezon City na bigla na lamang nag-anunsyo ng pagsasara.

"Kung talagang gusto ninyong tumulong sa mahihirap; gawin n'yong libre ang mga Catholic Private Schools at ipantay n'yo sa public ang suweldo ng mga guro ninyo. Yun, ang tunay na malasakit," saad ng direktor sa kaniyang Facebook post noong Agosto 17, 2022.

Napa-react naman dito ang paring si Fr. Benny "Nongnong" Tuazon.

"Bakit daw hindi gawing libre ang Catholic schools? Hmmm. Patulan natin. Gusto mong libre ang Catholic schools? Magdonate ka. If not, let part of the taxes paid to government be given as support to Catholic schools."

Ibinahagi naman ni Yap ang "sagutan pubmat" nilang dalawa at binigyang-reaksiyon.

"Luh. Father, di na nagbabayad ng tax, nag-uutos pa magdonate? Dagdag commandment? Moses? Ikaw ba 'yan?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pari tungkol dito.