Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kuhang video clip ng naging sagot ng "The Voice Kids" Grand Winner na si Lyca Gairanod nang maging guest siya sa game show na "Family Feud".

Sa tanong kasi ni Dingdong Dantes na "Sa anong hayop inihahalintulad ang corrupt na politiko", ang nabitiwang sagot dito ni Lyca ay "Tigre".

Naiugnay naman ang sagot ni Lyca sa politika. Matatandaang noong halalan, binansagang "Tigre ng Norte" si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., ng UniTeam.

Paliwanag ni Lyca sa kaniyang Facebook Live noong Agosto 18, wala siyang ibig sabihin o walang nais patamaan sa kaniyang sagot. Nadala lamang siya ng kaba dahil tatlong segundo lamang ang pag-iisip ng sagot, at ito lamang ang kaniyang naisip. Nilinaw din niyang hindi niya binabatikos o pinariringgan ang tinaguriang "Tigre ng Norte".

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang isa si Lyca sa mga naging performer sa mga nakalipas na UniTeam sortie.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/12/lyca-gairanod-kakanta-para-sa-uniteam-sigaw-ng-netizens-huwag-i-cancel-minor-yan/">https://balita.net.ph/2022/03/12/lyca-gairanod-kakanta-para-sa-uniteam-sigaw-ng-netizens-huwag-i-cancel-minor-yan/