Naganap na nitong Biyernes ng gabi, Agosto 19, ang inaabangang transpormasyon ni "Narda" patungong "Darna", na ginagampanan ng Kapamilya actress na si Jane De Leon na umani ng samu't saring reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Napa-wow ang mga netizen kay Jane sa kauna-unahang pagkakataong nasilayan nila ito suot ang iconic costume ni Darna---at ngayon, hinahanap na nila ang bashers na nagsabing "hindi bagay", "walang dating", at "hindi deserving" ang aktres sa kaniyang role.

Ayon sa karamihan ng mga naging komento ng mga netizen tungkol dito, pinatunayan daw ni Jane ang kaniyang sarili at tila "sinampal" sa mukha ang mga nanlait at nam-bash sa kaniya. Ngayon daw nakikita ng mga netizen ang nakita ng pamunuan ng ABS-CBN kung bakit sa kaniyang ipinagkatiwala ang "bato", na nauna nang naibigay kina Angel Locsin at Liza Soberano.

"Darna has always been a golden ticket to superstardom, a bypass card that make you skip the arduous climb. Jane de Leon is an exception. She worked hard for it, and when she finally earned it, she sure as hell proved that she truly deserved it. Soar high, Jane. #LipadDarna."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"The Jane De Leon who received a lot of hate comments and labelled as undeserving, is now the Jane De Leon, the new generation Darna. The first five episodes showed how deserving Jane De Leon of the role, not open for debate. Darna is the best series to replace AP."

"Di ako nag-expect, just watched out of curiosity on how #Darna will look but grabeee nakangisi lang ako the whole time when Jane transformed hanggang sa matapos ang episode! I mean the transformation, vfx, and how Jane looked and flew as Darna didn't disappoint!"

"Ang gandang Darna ni Jane De Leon. Ano ka ngayon RR Enriquez? Char!"

"Grabe, mala-Gal Gadot ng Pilipinas! Ang angas ng dating niya, at ang gandaaaa!!!!"

"I appreciate the fact that Jane De Leon's transformation in the series is not the typical Sailormoon-ish transformation like her predecessors. This Darna is built differently! Ang bilis ng transformation!"

"Deserve na deserve naman pala. Labas mga bashers! Ano kayo ngayon?"

Bukod kay Jane, puring-puri din ng mga netizen ang pagganap bilang "Leonor: Ang Unang Darna" ni Iza Calzado na siyang nanay ni Narda at nagpasa sa kaniya ng responsibilidad.

Napuri din ang mahusay na pag-arte ni Jane bilang Narda at Darna. Napaghiwalay raw ng aktres ang katangian ni Narda kay Darna. Isa pa, ang Narda sa seryeng ito ay isang "empowered" na; may kakayahang tumulong sa iba kahit walang kapangyarihang nagmumula sa mahiwagang bato. Trending din sa social media ang isang eksena kung saan kinompronta niya ang kapatid na si Ding (Zaijan Jaranilla) kung bakit hindi na ito pumapasok sa eskwela.

Sa kabilang banda, may mangilan-ngilang netizen din naman ang nagbigay ng ilang mga puna, na maaaring i-take note ng produksyon upang mas mapaayos pa.

Una, napansin ng ilang mga netizen ang pagkakaiba sa disenyo ng headdress ni Darna sa dalawang magkaibang senaryo.

Pangalawa, tila hindi pa raw ganoon kalinis ang CGI o computer-generated imagery, mabuti na lamang daw at nadala sa magandang storyline at superb acting skills ng cast members (Idagdag pa ang trending na Darna transformation ni Jane).

Pangatlo, huwag daw sanang kapalan masyado ang make-up ni Darna dahil labanan naman ang pupuntahan niya at hindi beauty pageant o fashion show.

Sa kabilang banda, kung susumahin ang mga komento ng mga netizen sa social media, masasabing nabali na nito ang mga unang pagdududa at pag-aalinlangan kay Jane, na deserve na deserve sa kaniyang iconic role. Binansagan na siya ngayon pa lang bilang "New Generation Darna". Excited na ang mga tagahanga niya sa paglipad ni Jane De Leon sa kaniyang stardom kung ipagpapatuloy niya ang kahusayan, dedikasyon, at syempre, attitude at behavior sa industriyang kaniyang ginagalawan.