Naitala na ng Indonesia ang una nilang kaso ng monkeypox, ayon sa pahayag ng health ministry ng bansa nitong Sabado.

Naiulat na isang 27-anyos na lalaki ang tinamaan ng sakit matapos umuwi sa kanilang bansa mula sa biyahe nito overseas.

"So when he got the symptoms, he immediately checked it (with) the doctor. The result came (back) positive within a day," ayon kay Indonesian health ministry Syahril.

Ipinasok na umano ito sa isang isolation facility sa Jakarta upang makarekober sa sakit.

Sa pahayag ng mga eksperto, kabilang sa sintomas nito ay ang pagkakaroon ng sugat, lagnat, sakit sa kasu-kasuan at panginginig.

Gayunman, bihira lamang ang namamatay sa sakit, ayon naman sa World Health Organization (WHO).