Isang araw bago ang "Ninoy Aquino Day", ibinahagi ng direktor na si Darryl Yap ang umano'y isang liham o sulat na ginawa ng yumaong dating senador na si Ninoy Aquino na naka-address sa isang nagngangalang "Dr. Aventura" kung saan mababasang tila pinuri ng una si dating First Lady Imelda Marcos dahil sa Philippine Heart Center.

Sa kaniyang Facebook post nitong Sabado, Agosto 20, binanggit ni Yap na ang liham na ito ay nakuha niya mula sa "Cocky Rocky".

"I’m doing one movie before I proceed to #MoM but this jewel from Cocky Rocky deserves a moment."

"Ninoy praising Imelda."

"A Yellow-Pink tissue to the false nationalistic verbal diarrhea of the losers of the nation."

"#MOM is COMING," ani Yap na ang tinutukoy ay ang sequel ng "Maid in Malacañang" na "MoM" o "Martyr or Murderer".

Mababasa sa naturang liham ang ganito: "In the past, I've been most critical of the First Lady's project. Now that I've seen what she has done here at the Heart Center- I take back all my harsh words- hoping I do not choke."

"Mrs. Marcos deserves all the credit for giving our people such an institution like your Heart Center. It is indeed ironical that one of her bitterest critics would be a beneficiary of her foresight."

"When the ultimate mist of controversy is melted by the rising sub her works for our people will find final recognition," aniya pa.

Sa bandang lagda ng liham ay nakalagay na "NINOY" at ang buong kalatas ay mukhang makinilyado o typewritten.

Sa comment section, naungkat ng mga netizen ang "love triangle" sa pagitan nina Ninoy, Imelda, at dating Pangulong Cory Aquino, kung saan ang nauna raw talagang niligawan ni Ninoy ay si Imelda.

Ang Philippine Heart Center na naitayo noong 1975, ay isang ospital na ang tuon ay treatment para sa heart ailments.

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Ninoy kung sa kaniya ba talaga nagmula ang naturang liham.