Muli na namang lumitaw sa Twitter world ang hashtag na "#CancelTropangLOL" matapos maibalita sa SBS News ang tungkol sa umano'y 'insensitive' na tanong tungkol sa isang sikat na K-Pop group, sa segment nilang "Maritest".

"Sa concert scene sa Pilipinas, aling K-pop group ang nag-cancel ng show sa Pilipinas recently dahil ang tatay ng isa sa members ay pumanaw?" tanong ni Alex Gonzaga sa guest comedian nilang si Pooh.

Kabilang sa mga pinamilian ang Super Junior, Seventeen, GOT7, at SHINee, na pawang mga sikat na Korean boy band group.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/11/canceltropanglol-trending-dahil-sa-insensitive-na-tanong-tungkol-sa-isang-k-pop-group/">https://balita.net.ph/2022/08/11/canceltropanglol-trending-dahil-sa-insensitive-na-tanong-tungkol-sa-isang-k-pop-group/

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

Kamakailan, pumanaw ang ama ng Super Junior member na si Lee Hyuk Jae o mas kilala bilang Eunhyuk kaya't hindi ito nakasama sa world tour ng boy band dito sa Pilipinas.

Dismayado naman ang mga Pilipinong K-Pop fans sa Tropang LOL, lalo't hindi umano humingi ng paumanhin man lamang sa publiko ang show. Ayon daw sa balita ng SBS, hiniling daw ng mga tagahanga ng naturang K-Pop group na humingi ng dispensa ang noontime show, subalit hindi ito nangyari.

"So umabot na nga po sa Korean news ano 🤧 And look at the comments!! Haayyy!!!"

"Ang sarap maging Pinoy, pero sa mga ganitong pagkakataon, sobrang sakit aminin pero nakakahiya tayo jusko! Talagang umabot pa sa balita. They could've said their apologies naman kasi but they never did. Pero unang-una sa lahat dapat talaga di n alang ginawa 'tong segment na 'to."

"Ito yung noontime show na nagdadasal pa sa pagtatapos ng programa 'di ba?"

"Nakakahiya, nadamay ang buong Pinoy. Sana masaya sila sa ginawa nila. Kung meron pa silang kahihiyan, an apology would be nice. Sana lang meron sila gawin."

https://twitter.com/KringKim/status/1560592046561587200

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng Brightlight Productions o ang mga host ng Tropang LOL tungkol dito.