Hindi kasama sa student cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ngPantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

"Kung kayo po ay naka-4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) tama po ang sinasabi nginyongmga lider, hindi na po kayo kasama dito dahil iyang 4Ps na hawak ninyo ay para po sa mga anak ninyo iyan," pagbibigay-diin ni DSWD Secretary Erwin Tulfo sa isinagawang public briefing saMalacañangnitong Sabado.

"Kaya po mayroon kayong 4Ps, iyan po ay para sa edukasyon ng inyong mga anak – incentive iyan para pumasok po ang inyong anak. Therefore, na tumatanggap na po kayo ng ayuda mula sa gobyerno para sa edukasyon ng mga anak ninyo," aniya.

Nilinaw ng kalihim na ang mga miyembro ng 4Ps na nakatanggap ng educational cash assistance ay ibabawas sa kanilang pondo sa susunod na buwan.

"So iyong mga nakatanggap po ng 4Ps, aba eh iri-refund ninyo po sa amin iyan; ikakaltas sa inyong matatanggap po next month. Para magkalinawan tayo," anito.

Aniya, hindi na rin puwedeng kumuha ng cash assistance ang mga iskolar ng gobyerno.

"Iyong mga iskolar na po ng mga gobyerno ho diyan, hindi na rin po kayo kasama because allotted na po iyong mga pambili ninyo pati mga tuition ninyo," paglalahad ng kalihim.

Kabilang aniya sa requirement ang school identification (ID) ng estudyante at enrollment certificate nito.

Umabot sa₱500 milyon ang inilaan para sa naturang programa.