Nananatiling numero unong pelikula sa bansa ang ‘Maid in Malacañang’ na tumabo na ng tumataginting na P330 milyong kita, ayon sa isang ulat nitong Biyernes.
Ipinagmalaki ng Viva Films ang ikatlong blockbuster week ng ‘Maid in Malacañang’ sa mga sinehan sa loob at labas ng bansa.
Basahin: ‘Katips,’ ‘Maid in Malacañang’ magtatapat din sa UAE? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Kasalukuyan namang nasa Dubai ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap para sa pagbubukas ng kaniyang pelikula sa ilang sinehan sa banyagang bansa.
Hindi naman natuloy si Senador Imee Marcos na nakatakda sanang dumalo rin sa isang special screening sa Dubai matapos magpositibo sa Covid-19 kamakailan.