Masayang ibinahagi ng transwoman beauty queen at online creator na si Lars Pacheco na bagaman mabigat sa bulsa ay worth it ang kaniyang ginastos para sa life-changing sex reassignment surgery sa Thailand kamakailan.
Sa isang Facebook update, Huwebes, ibinahagi ng 25-anyos na online vlogger ang ilang detalye sa kaniyangsex reassignment surgery-penile peritoneal vaginoplasty (SRS-PPV).
Aniya, may iba’t ibang technique ang SRS at ang pinaka-advanced ang pinili niya para sa sarili.
“Kaya ko siya napiling technique is because, unang-una sa lahat syempre ito yung pinaka-major surgery na gusto kong gawin sa buhay ko so gusto ko siya na maging pinakabongga; yung pinaka-expensive. Gusto ko yung pinakamaganda. So yun yung treat ko sa sarili ko kasi syempre ‘di ba ito yung once in a lifetime lang natin na gagawin kaya naman kailangan pag-ipunan talaga,” pagbabahagi ni Lars sa kaniyang followers.
Dagdag niya, ang SRS-PPV din ang technique para ma-achieve ang pinakanatural at pinakamalapit na organ ng isang babae.
“One of the funtions of PPV, nagsi-self-lubricate. Hindi ka mahihirapan mag-dilate, or if ever makipag-sex ka man kasi nagsi-self lubricant,” ani Lars.
Aniya pa, hindi rin daw prone sa iba pang post-surgery effects ang ginawang operasyon sa kaniya.
“Hindi siya nagbabaho unlike yung iba medyo bumabaho siya,” sey ni Lars.
Umabot ng THB 577,500 o mahigit P900,000 ang ginastos ng beauty queen para sa operasyon pa lang.
Tumataginting na THB 622,700 o P970, 000 naman ang kabuuang nagasta ni Lars kasama na ang kaniyang akomodasyon sa isang hotel sa Bangkok, Thailand sa ilang linggong pananatili niya sa banyagang bansa.
“‘Di naman ako nagsisisi. Sobrang worth it grabe. Tuwing naiisip ko kung paano ko pinag-ipunan yung SRS ko ko grabe, sobrang worth it!” masayang sabi ni Lars.
Payo naman ni Lars sa kaniyang mga trans sisters, “’Wag kayong magmadali.”
Sa kilalang Kamol Cosmetic Hospital – German sa Thailand matagumpay na binago nang tuluyan ang pagkatao at buhay ni Lars.