Tatlong araw bago ang opisyal na pagsisimula ng School Year 2022-2022 sa Agosto 22, umabot na sa mahigit 27 milyon na estudyante ang naka-enroll na, ayon sa Department of Education (DepEd).

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) nitong Agosto 19, umabot na sa kabuuang 27,158,578 na estudyante ang nakapag-enroll na sa darating na School Year 2022-2023. 

Pinakamarami pa rin ang enrollees sa Region 4A (Calabarzon) na umabot na sa 3,709,599; sumunod ang Region 3 (Central Luzon) na may 2,810,330 at sa National Capital Region (NCR) naman ay may 2,669,618.

Pinakakaunti naman ang enrollees sa Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 465,389 pa lamang.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang Hulyo 25 nang simulan ng DepEd ang enrollment period at magtatapos ito sa Agosto 22, na siya ring unang araw ng klase sa bansa. 

https://twitter.com/DepEd_PH/status/1560569555499782144