Binisita na ng grupo ni United States Senator Edward Markey ang nakakulong na dating senador na si Leila de Lima nitong Biyernes.
Ito ay nang payagan sila ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 at 256 na pumasok sa Camp Crame upang masilip si De Lima sa Philippine National Police-Custodial Center.
Ang hakbang ng hakbang ng hukuman ay tugon sa "extremely urgent motion ex abundanti ad cautelam" na iniharap ng mga abogado ni De Lima hinggil sa US Congressional delegation visit.
Nitong Huwebes, hinarang si Markey, kasama sina US Congressmen Alan Lowenthal, John Garamendi, Don Beyer at Congresswoman Aumua Amata Coleman Radewagen nang tangkain nilang dalawin ang dating senador dahil sa kawalan ng kautusan ng korte.
Naiulat na layunin ng pagbisita na matalakay ang itinatakbo ng natitirang kaso laban kay De Lima, sitwasyon at karanasan sa loob ng detention facility sa mahigit limang taong pagkakakulong.
Si De Lima ay nakakulong mula pa noong Pebrero 2017 matapos isangkot sa bentahan umano ng iligal na droga sa National Bilibid Prison noong kalihim pa ito ng Department of Justic