Nagbitiw na ang Serbian na si Nenad Vucinic bilang head coach ng Gilas Pilipinas.

Kaagad namang tinanggap ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbibitiw ni Vucinic at sinabing wala silang magagawa sa naging pasya ng dating coach ng Gilas.

"The Samahang Basketbol ng Pilipinas has accepted the decision of not to extend his contract as part of the coaching staff of Gilas Pilipinas to pursue other opportunities," lahad ng SBP.

"We are grateful for his contributions to the Gilas program and for helping our players compete at an international level... The SBP wishes coach Nenad only the best in his future plans," dagdag pa ng SPB.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Vucinic ay dating kabilang sa coaching staff ng Meralco na nalaglag sa kontensyon matapos matalo ng San Miguel Beermen sa kanilang 'do-or-die' Game 7 kamakailan.

Minanduhan din nito ang Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kamakailan.