TACLOBAN CITY -- Patay ang isang 55- anyos na driver ng ambulansya matapos atakihin sa puso habang nagmamaneho sa Barangay Calumpang, Naval, Biliran nitong Huwebes, Agosto 18.

Kinilala ang biktima na si Roderick Cesora, 55, driver ng Rural Health Unit sa Caibiran, Biliran. 

Lumalabas  inisyal na imbestigasyon na nawalan ng malay si Cesora habang nagmamaneho ng ambulansya at pumihit sa kabilang libya sa Sitio Lupa, Barangay Calumpang.

Nabangga ng ambulansya ang dalawang motorsiklong nakaparada sa lugar na ikinasugat ni Tyron James Ralar, ang driver ng isa sa mga motorsiklo.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ibinunyag ni Ariel Verunque, na nakaupo sa passenger seat ng ambulansya, na biglang nawalan ng malay si Cesora at nawalan ng kontrol sa manibela, dahilan para mabunggo sila.

Sinubukang gisingin ni Verunque si Cesora ngunit hindi ito umano ito tumugon.

Dinala ng mga rescuers si Cesora sa Biliran Provincial Hospital ngunit siya ay idineklarang patay na.

Marie Tonette Marticio