Inaresto ng pulisya ang isang construction worker dahil sa umano'y pananakit at pagtutok ng baril sa isang babae sa Taguig, Huwebes, Agosto 18.

Kinilala ni Taguig police chief Robert Baesa ang suspek na si John Lloyd Oliva, 21, na nahaharap ngayon sa kasong physical injury at grave threat.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa Barangay South Daang Hari sa Taguig. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Oliva at ng biktima na kinilalang si Mary Joy Manguera, 24.

Sinuntok umano ni Oliva si Manguera sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan at naglabas pa ng replica na baril at itinutok sa kanyang ulo at sinabing, “Gusto mo patayin na kita ngayon?”

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nagtungo si Manguera sa Taguig police Substation 8 para humingi ng tulong na nagresulta sa pagkakaaresto at pagkumpiska kay Oliva ng isang replica 9mm pistol.

Sa ilalim ng Section 35 ng Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), “An imitation firearm used in the commission of a crime shall be considered a real firearm as defined in this Act and the person who committed the crime shall be punished in accordance with this Act: Provided, That injuries caused on the occasion of the conduct of competitions, sports, games, or any recreation activities involving imitation firearms shall not be punishable under this Act.”

“The rapid response time of our men not only boosts crime detection but also reduces the time it takes to catch the offender,” ani Southern Police District acting director Col. Kirby John Kraft.

Jonathan Hicap