Aabot sa 159 na kuntador ng kuryente na ilegal na nakakabit sa maximum security compound ng New Bilibid Prison ang kinumpiska ng Bureau of Corrections nitong Biyernes.

Ayon kay BuCor Spokesman Assistant Secretary Gabriel Chaclag, ang operasyon ay alinsunod na rin sa direktiba ni Justice Secretary Boying Remulla na imbestigahan ang higit sa 200 kuntador o metro ng kuryente na nakakabit nang ilegal na loob ng NBP compound.

Sinabi ni Chaclag na pinapayagan naman noon ang ilang preso na magkabit ng sarili nilang kuntador for humanitarian consideration lalo na ang mga may karamdaman na kinakailangan ng electric fan sa selda at kung may pambayad naman sa kuryente.

Pero napansin na inaabuso ito ng mga preso kaya naman pinatanggal na ang mga ito gayundin ang iba pang ilegal na koneksyon sa loob ng NBP.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Paglilinaw naman ng BuCor na mayroong suplay ng kuryente sa kanilang pasilidad pero ito ay para lamang sa mga common area ng kulungan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Office of Electrical Engineering Section ng NBP ang mga nakumpiskang kuntadorng kuryente para sa imbentaryo at kaukulang disposisyon.