Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Nasa 21 na miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid (LMB) ang kumalas sa Alyansang Magbubukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magsasaka ng Pilipinas (KMP), isang grupo na kinikilala umano bilang legal front ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA). 

photo: NEPPO

Ito ay inanunsyo ni Police Regional Office 3 Regional Director Police Brigadier General Cesar Pasiwen nitong Biyernes, Agosto 19.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang boluntaryong pagsuko ng mga miyembro ay pinagsamang pagsisikap ng 2nd Provincial Mobile Force Company at Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) kasama ang iba't ibang police units sa Guimba, Nueva Ecija.

Umaasa si PBGEN Pasiwen na maraming grupo pa ang susunod sa ginawang hakbang ng mga magsasaka.

Samantala, patuloy na nananawagan sa lahat ng sektor na maging maingat sa mga organisasyong nauugnay sa communist terrorist group.