SAN FERNANDO CITY, Pampanga — Halos 2,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ipapakalat sa iba’t ibang lalawigan para masiguro ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang police visibility sa mga paaralan, kolehiyo, unibersidad at mga kalapit na lugar sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.

Ang Police Regional Office 3 ay nakahanda na para magbigay ng lubos na tulong sa mga estudyante sa pagbubukas ng mga klase.

Ang mga opisyal ng Pulisya dito ay nagsabi na ang mga alituntunin ay naitatag na alinsunod sa “IMPLAN 22/2023 Ligtas Balik- Eskwela 2022”, isang direktiba na nagmula sa National Headquarters na isinasagawa taun-taon.

Noong Biyernes, ang mga Police Assistance Desk, na pinamamahalaan ng isang team na may police commissioned officer bilang pinuno nito, ay itinatag sa bawat paaralan nang maaga upang maagapan at tumugon sa anumang posibleng mangyari.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang ilang field officers ay inatasan na personal na bumisita sa iba't ibang paaralan at makipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan upang hadlangan ang mga lawless elements sa paggawa ng mga ilegal na aktibidadtulad ng hold-up, pick-pocketing, snatching, drug pushing at maging ang pagkidnap sa mga kawawang estudyante.

At para sa pag-aalala sa trapiko, makikipagtulungan ang pulisya sa mga auxiliary ng trapiko sa kontrol at direksyon ng trapiko.

Gaya ng inaasahan, malaking bolyum ng mga mag-aaral ang bibiyahe papunta at mula sa iba't ibang paaralan sa iba't ibang lungsod/probinsya.