“Justice served gratifies the hopeful!”

Iyan ang pahayag ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos makalaboso ng kanilang operatiba ang most wanted person sa National Capital Region (NCR).

"This accomplishment of the WCCU is proof of what the CIDG do best – we investigate, file a complaint in court based on our investigation, arrest and put perpetrators behind bars, and ensure that offenders will be held accountable for their crimes," ani PBGen Ronald O Lee, CIDG Director.

Naaresto ng CIDG-Women and Children Complaint Unit (WCCU) ang suspek na si Gualberto Serrano, 47, noong Agosto 15, bandang 3:42 ng hapon sa Moriones, Tondo, Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang suspek ay pinaghahanap ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 38 dahil sa two (2) counts ng Qualified Rape (RPC Art 266-B) at Sexual Assault (Art 226-A).

Ibinunyag ng CIDG Investigator-on-case na humingi ng tulong ang biktima para ihain ang kanyang reklamo laban sa akusado noong Hunyo 7, 2022.

Sa salaysay ng biktima, inamin niya na nagsimula noong Marso 19, 2008, 10-taong gulang pa lamang siya nang ang malisyosong layunin ng suspek sa kanya, noong siya ay 10 taong gulang pa lamang.

Sa salaysay ng biktima, sinabi nito na noong 10 taong gulang pa lamang ito, taong 2008, nang nagsimula ang malisyosong layunin ng suspek sa kanya ng suspek.

Dagdag pa ng biktima, siya ay sekswal na inabuso at pinilit ng suspek nang paulit-ulit hanggang Mayo 9, 2022 at dalawang beses siyang nabuntis.

Napagpasiyahan niyang humingi ng tulong sa CIDG nang hindi na niya kinaya ang trauma mula sa panggagahasa sa kanya.

Ang mga reklamo laban sa mga akusado ay inihain noong Hunyo 9 sa City Prosecutor’s Office of Manila at ang warrant of arrest ay inilabas noong Agosto 12.