Handa na ang Mabalacat City sa Pampanga para sa face-to-face classes na magsisimula sa Agosto 22.

Inanunsyo ni Mayor Crisostomo Garbo nitong Huwebes na handa na sila sa pagbabalik ng face-to-face classes.

Para sa kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga estudyante at guro, sinabi ni Garbo na nakikipag-coordinate na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga concerned department units at public at private school administrators upang makakuha ng update sa Covid-19 protocols.

"This is to ensure that we are really ready for face-to-face classes. I instructed our local officials to convene with the schools in the city to give updates and calibrate them with our guidelines and protocols,”  anang alkalde.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Gayunman, magiging available pa rin ang mga Covid-19 testing centers sa lungsod at patuloy pa rin ang vaccination programs nito.

Ayon naman kay City administrator Franco Madlangbayan, na ang paghahanda para sa face-to-face classes ay importante upang malaman umano ng mga namamahala sa eskuwelahan ang mga programa ng lokal na pamahalaan.