Ibinahagi ng singer-songwriter na si Nica Del Rosario ng awiting "Rosas", pamagat ng campaign song ng dating Vice President at kandidato sa pagkapangulo na si Atty. Leni Robredo, na nagtungo na siya sa Sydney, Australia upang pakasalan ang kaniyang partner na si Justine Peña.

Bukod sa "Rosas", sila rin ng kaniyang partner ang nag-perform ng campaign jingle na "Kay Leni Tayo" kasama sina Jeli Mateo, Pow Chavez, Rap Sanchez, Penelope, Cheryl Tugade, MYK, MCO & Mat Olavides.

Sa Twitter, ibinahagi ni Nica ang larawan ng langit na kuha sa bintana ng eroplano at nilagyan niya ng caption na “Off to get 💍." Ibinahagi rin niya ang litrato nila ni Justine habang nasa Sydney.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

https://twitter.com/nicadelrosario/status/1560078154190188544

https://twitter.com/nicadelrosario/status/1560174635865427973

Bukod sa campaign songs, isinulat din ni Del Rosario ang hit song na "Tala" ni Asia's Popstar Royalty Sarah Geronimo.