Hindi na napigilan ng celebrity-vlogger na si Donnalyn Bartolome na magsalita tungkol sa kanyang kontrobersyal na 'kanto-themed' birthday party.

Sa isang mahabang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 18, inadress niya ang ilan sa mga isyung ibinabato sa kanya kaugnay sa birthday party niya noong Hulyo.

Aniya, mag-a-apologize naman daw kung nagkamali siya pero kung hindi naman ay ipaglalaban niya kung ano ang pinaniniwalaan niya.

Makikita sa naturang post na inupload niya ang mga larawan niya na nagpapatunay na pinagdaanan niya ang mahirap na buhay.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"That kanto birthday party is my history. These pictures are proof. Yung minamata ako ng mga tao noon after ko umalis saamin cause I had no money, pati pagkain ko ng kwek kwek tinatawag akong poor," ani Donnalyn.

"Pati pagsakay ko ng jeep. “Wag ka magkakamali na pagisipan siya ng cheap, wala lang talagang kaso sakanya kung magjeep” saan sa tingin niyo nakukuha lyrics sa kanta ko? I’ve always been so proud of everything I’ve been through cause hindi naman ako basta tumambay lang eh, nagtrabaho ako," dagdag pa niya.

Nilinaw rin nito na prank lang daw 'yung 'kanin na tutong' na cake.

"Wag niyo nadin pakeelaman yung cake na tutong kasi prank lang naman yun ng mga friends ko, wala ba kayong friends na loko loko? Noon pang meme yung cake yan na inside joke sa mga barkada ah?" sey ng celebrity-vlogger.

"Asin ba at toyo pinakain ko sa guests ko para sabihin niyong poverty mockery? May mga milyonaryo na nagKakanto bday party because THIS IS THE FILIPINO CULTURE. Not a theme. Gusto niyo pabonggahan na party? Choice niyo yun. Walang masama sa simple o bongga basta afford mo," sey pa niya.

"Hindi niyo kasi tinapos yung video na ginamit ko tong birthday ko para magbigay lakas ng loob sa mga taong pinagdadaanan yung pinagdaanan ko. That there’s light at the end of the tunnel basta wag ka mag-Ggive up. That the key to success is to believe in yourself.

"Noon kung makapangmata yung iba sa mga nagkakanto birthday party wagas(dami ko naencounter na ganito shet) now that I’ve suddenly made it cool by being proud of it at yung mga kanto party peeps are happy about it galit na galit yung iba? Eh yung mga mapangmata na mga tao nga dahilan bakit minsan umuutang pa yung ibang tao para makapagbirthday ng “bongga” kasi ayaw nila mapahiya, eh wala namang nakakahiya sa kung anong kaya mo lang basta nandun true family and friends, Syempre hindi yun yung message na nakuha ng sleepwalkers sa vlog kasi focus sila sa negative," kuwento ni Donnalyn.

Pinasaringan din nito ang mga umano'y humuhusga sa kanya.

"Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako. Sino ka para pagsabihan ako na mali bumalik sa dati kong gawi? Sino ka para husgahan pagpapakilala ko sa mga new friends ko kung saan ako nanggaling?

"Sino ka para pakeelaman yung tutong cake giving friendship dynamic namin? Gusto mo makita kung gaano ko kahilig sa extra rice para magets mo bakit tutong cake? Manuod ka po ng rice mukbang ko.

"I collected pics of me when I left home, payat na payat, kulang lagi pambayad ng bills at tuition fee kasi nga tumayo ako sa sarili kong paa. Mga bagay na di niyo alam kasi di niyo naman pinanood yung vlog eh. Nagsalita lang kayo nang wala kayong alam," aniya.

"At sa news outlets po, wala pa sa 5% yung nagsabing di okay yung vlog vs people who loved it. You're just shining the light on whatever’s worse for engagement."

Kamakailan ay nagtrending topic si Donnalyn dahil sa kanyang 'kanto-themed' birthday party.

Ayon sa mga netizen, hindi na raw natuto ang dalaga sa pagkakamali umano nito hinggil sa naging baby-theme photoshoot nito noong nakaraang buwan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/donnalyn-bartolome-hindi-na-raw-natuto-sey-ng-netizens/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/15/donnalyn-bartolome-hindi-na-raw-natuto-sey-ng-netizens/

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/08/17/associate-justice-leonen-may-pinasasaringan-to-be-poor-is-not-something-to-celebrate-by-the-rich/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/17/associate-justice-leonen-may-pinasasaringan-to-be-poor-is-not-something-to-celebrate-by-the-rich/