PINUKPUK, Kalinga -- Timbog ang isang dating barangay chairman nang magsagawa ng search warrant operation ang pulisya sa kaniyang bahay sa Brgy. Wagud, Pinukpuk, Kalinga noong Agosto 16.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Jerson Angog ng Branch 25 Regional Trial Court, Tabuk City Kalinga, ay isinagawa ang search operation ng magkakasanib na tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division, at Kalinga Provincial Police Office dakong 6:30 ng umaga.

Kinilala ang nadakip na si Reynold Sagmayan Gongob, 47, negosyante, at dating barangay chairman ng Brgy. Wagud. 

Si Gongob ay kabilang din sa Regional Top Ten on Illegal Drug Personality, na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Act of 2002); paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at paglabag sa  Presidential Decree 705 (illegal logging).

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinabi ni Col. Peter Tagtag, Jr., provincial director, nakuha sa loob ng bahay ng suspek ang dalawang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng umano'y shabu na may timbang na 12 gramo at may halagang P81,600.

Narekober din ang 7 pang small heat-sealed plastic transparent sachets ng shabu na may timbang 2.0 grams at may halagang P13,600.00.

Nakuha din ng mga operatiba ang isang box na naglalaman ng 20 rounds ng caliber 7.62 ammunition; isang box na naglalaman ng 40 rounds ng caliber 5.56 mm ammunition; anim na piraso ng caliber 7.62mm ammunition; 11 piraso ng caliber 5.56mm ammunition; dalawang piraso ng cal .45mm ammunition; apat na pirasong blasting cap at isang maliit na fuse; isang gun suppressor; tatlong piraso ng short magazine ng caliber 5.56; isang magazine para sa caliber .45mm; isang piraso ng MI911 A2 Cal.45 pistol case at isang bandolier.

Ayon kay Tagtag, sa bakuran nito ay narekober ang 61 piraso ng narra flitches; pitong molave flitches; limang acacia at isang tapol, na may kabuuang board feet flitches na 946.79, na may market valuena P106,408.40 at dalawang unit chainsaw.