Maaari nang mag-apply ng calamity loan assistance ang mga miyembro at pensyonadong naapektuhan ng 7.0-magnitude sa Northern Luzon nitong nakaraang buwan, ayon sa pahayag ng Social Security System (SSS) nitong Huwebes.

Paglilinaw ng SSS, ang paghahain ng aplikasyon para sa calamity assistance ay hanggang Nobyembre 14 ng taon.

Sinabi ni SSS president, CEO Michael Regino, ang calamity assistance package ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro at three-month advance pension para sa mga pensyonadog tinamaan ng malakas na pagyanig sa Abra at Mountain Province nitong Hulyo 27.

Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang mga bayan ng Mountain Province na kinabibilangan ng Bauko at Besao. 

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sa Abra, idineklara rin ang state of calamity sa Bangued, Boliney, Bucay, Bucloc, Daguioman, Danglas, Dolores, Lacub, Lagangilang, Lagayan, Langiden, La Paz, Licuan, Luba, Malicbong, Manabo, Penarrubia, Pidigan, Pilar, Sallapadan, San Isidro, San Juan, San Quintin, Tayum, Tineg, Tubo, at Villaviciosa.

Aniya, maaari nang mag-loan ang mga kuwalipikadong miyembro kung saan katumbas ito ng komputasyon ng kanilang one month salary credit (MSC) batay na rin sa laki ng huling 12 na MSC o ang halaga ng inaaplayan nilang loan.

Pinayuhan din ng SSS ang mga ito na maaaring mag-aplay ng calamity loan sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.