Libu-libong sakong asukal ang nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa ikinasang pagsalakay sa isang bodega sa San Fernando, Pampanga nitong Huwebes, ayon sa pahayag ng Malacañang.

Iniimbestigahan pa ng BOC ang Filipino-Chinese na si Jimmy Ng nang madatnan sa bodega sa Lison Building Barangay Del Pilar kung saan nabisto ang libu-libong sakong asukal na inangkat pa sa Thailand.

Ang pagsalakay ay isinagawa alinsunod na rin sa kautusan ni Executive Secretary Victor Rodriguez na tugon naman sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa BOC na alamin ang imbentaryo ng mga imported agricultural products sa lahat ng Custom bonded warehouse upang madetermina kung nagkakaroon ng hoarding ng asukal.

Inaalam pa ng BOC ang eksaktong halaga ng nadiskubreng asukal.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Paliwanag ng BOC, binigyan na nila ng 15 araw ang may-ari ng bodega upang patunayan na hindi puslit ang nasabing naturang asukal.

Bukod dito, nadiskubre rin sa bodega ang saku-sakong cornstarch, harina, plastic products, mga piyesa at gulong ng motorsiklo, iba't ibang helmet, at mga television set.

Kung mapapatunayang puslit ang nasabing imported na asukal ay kakasuhan nila ng smuggling o paglabag sa Customs Modernization Tariff Act (CMTA)

Betheena Unite/PNA