Puwede nang angkatinng gobyerno ang 150,000 metriko toneladang asukal upang mapunan ang pangangailangan nito sa bansa, ayon sa pahayag ngMalacañangnitong Huwebes.
Kaagad na nilinaw ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na ito ay napagkasunduan matapos pulungin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga lider-magsasaka, millers, sugar workers at refiners saMalacañang nitong Miyerkules ng gabi.
Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri, ibinatay ang nasabing aangkating asukal sa datos hinggil sa huling demand nito.
Ang aangkating asukal ay kalahati lamang ng planong i-import ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na 300,000 metriko tonelada na hindi inaprubahan ni Marcos dahil sa "illegal" na pagpapalabas ng desisyon sa usapin
Matatandaang nagbitiw sa puwesto ang tatlong opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos silang mabisto na sangkot sila sa pagpapalabas ng kautusang umangkat ng daan-daang libong metriko toneladang asukal kahit walang go-signal ng Pangulo.