TUGUEGARAO CITY, Cagayan -- Nagsagawa ng buy-bust operation ang anti-drug operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cagayan Provincial Office at lokal na pulisya na nagresulta sa pagkakapuksa sa isang drug den at pagkakaaresto ng tatlong suspek sa Bassig St., Ugac Sur.

Arestado ang tatlong suspek matapos magbenta ng isang puting nakatiklop na papel na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana sa isa sa mga operatiba na nagpanggap na bumibili ng ipinagbabawal na gamot bandang 7:14 p.m. noong Agosto 15, Lunes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinilala ng mga operatiba ang mga suspek na sina Sam Escaño, 22, estudyante; Franklin Escaño, 60, kapwa taga Bassig St., Ugac Sur, Tuguegarao City at Harvey Alcantara, 20, estudyante at residente ng Caggay, Tuguegarao City.

Nakumpiska sa operasyon ang nakatuping papel na naglalaman ng mga tuyong dahon na hinihinalang marijuana, isang brown envelope na naglalaman ng isang brick ng tuyong dahon ng marijuana, iba't ibang drug paraphernalia, buy-bust money, at cellular phone.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.