Nakapagpaturok na rin ng kanilang Covid-19 second booster shot si Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang anak na si Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.

Ang pagpapaturok ng booster shots ng mag-amang Marcos ay isinagawa sa pagbisita nila sa vaccination site sa SM City Manila nitong Miyerkules, kasama sina Manila Mayor Honey Lacuna, Department of Health (DOH) officer-in-charge (OIC) Dr. Maria Rosario Vergeire, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, si Vice Mayor Yul Servo, at Manila Health Department chief Dr. Arnold 'Poks' Pangan,

Nabatid na si Pang. Marcos ay binakunahan ni Vergeire ng PfizerCovid-19booster vaccine habang si Rep. Marcos naman ay tinurukan ng bakuna ni Lacuna, na isa ring doktor.

Sa panayam ng mga reporters, sinabi ni Pang. Marcos, na matatandaang dalawang ulit nang dinapuan ng virus, na maliban sa bahagyang pagsakit ng kanyang braso, maayos naman ang kanyang pakiramdam at walang anumang naramdaman matapos na maturukan ng bakuna.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Wala naman so far. Hindi naman sumakit ‘yung braso ko. So I feel fine,” aniya pa.

Sa kanyang panig, tiniyak naman ni Lacuna na buo ang suporta ng local government unit (LGU) ng Maynila “PinasLakas” booster campaign ng DOH.

Siniguro rin ni Lacuna na aktibo nilang isinusulong ang vaccination booster drive sa lungsod, lalo na ngayong magbabalik na ang face-to-face classes sa Lunes, Agosto 22.

Aniya pa, ang Manila City Government ay kaisa ng national government sa layuning maprotektahan ang mga mamamayan laban sa virus.

Muli rin siyang nananawagan sa mga magulang at mga guardians ng mga mag-aaral na pabakunahan na ang mga ito upang matiyak ang kaligtasan nila laban saCovid-19 sa kanilang pagbabalik sa mga eskwelahan.

Aniya, hindi lamang mga Manilenyo ang maaaring magpabakuna sa lungsod, kundi mga non-Manilans din.

Patuloy rin siyang nananawagan sa publiko na maging maingat at tumalima sa health and safety protocols upang hindi dapuan ng virus at iba pang karamdaman.