Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa ibinahagi ni "Jhio Villanueva" tungkol sa nasaksihang senaryo sa pagitan ng isang staff ng pawnshop/remittance center, at isang lalaking customer na nagtanggal ng tsinelas sa labas bago pumasok sa loob nito.

Makikita sa Facebook post ni Jhio ang naging kumbersasyon ng staff at kliyente na mukhang magke-claim ng perang ipinadala sa kaniya.

"Staff: sir pasok n'yo tsinelas n'yo," saad ng empleyado ng pawnshop/remittance center.

Sumagot naman ang kliyente na basa at marumi ang kaniyang tsinelas.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

"Ok lang 'yan sir maglilinis naman ako," saad daw ng staff.

Sagot naman ng naturang ginoo, "Ok lang sir nakakahiya kasi ang linis na sa loob tapos madudumihan lang."

"Balik ka lang ulit kuya tulungan kita ulit makuha padala ng asawa mo," saad ng staff sa kliyenteng nagtanggal ng tsinelas.

Naantig naman ang damdamin ni Jhio dahil hindi raw pagiging ignorante ang tawag doon kundi "respeto".

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga netizen na pumuri sa naturang pawnshop at nagpatotoong sadyang mababait at maestima ang mga security guard at staff doon.