Iginiit ng isang beteranong election lawyer na pang-aabuso ng kapangyarihan ang isinusulong na panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Gayunman, kumpiyansa si Atty. Romulo Macalintal na ive-veto o hindi pipirmahanni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mungkahing batas kung matatanggap niya ito.

Pasado na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mungkahing batas.

“I hope na 'pagna-submitsa Pangulo, ay hindipirmahanng Pangulo. Sana 'yan i-veto,” sabi nito nang kapanayamin sa telebisyon.

Marami aniyang dahilan kung bakit hindi na dapat ipagpaliban ang naturang eleksyon.Kung susundin aniya ang Konstitusyon, maaaring baguhin ng Kongreso ang termino o tagal ng panunungkulan ng mga opisyal ng barangay.

"Hindi sinasabi sa Saligang Batas na ang Congress ay may kapangyarihan na mag-postpone ng eleksyon.Pangalawa, ang sinasabi ng ating Saligang Batas, ang isang manunungkulan ay dapat merong mandato ng taumbayan. Kapagka pinostpone mo 'yan at sila ay na-extend o tinatawag na holdover capacity, eh wala silang mandato,” anito.

Sa batas aniya, dapat ay makuha ng mga opisyal ng barangay ang mandato ng taumbayan sa pamamagitan ng halalan.

“Ang sabi ng Korte Suprema, ang holdover means legislative appointment. Sa ilalim ng Saligang Batas, ang mga barangay officials, dapat elected, hindi appointed," aniya.

Maaari aniyanghumantong sa abuse of power ang pagpapalawig sa termino ng mga barangay official.

“Ang kontrata nila sa atin ay 3 taon. Wala naman nakalagay sa balota na pagkatapos ng 3 taon, ie-extend kita. Hindi. Ang kontrata mo sa taumbayan ay 3 taon lamang. kaya hindi mo pwedeng i-extend 'yan dahil sa may pandemic, may ganyan, may ganito, ehpagkagayonay pwede pala, eh what will prevent Congress from extending the term of the president, the vice president, senador, lahat na lang ng elected officials, gagawa sila ng kung anu-anong dahilan para lamang ma-extend ang kanilang term, mag-holdover sila,” banggit pa ni Macalintal.