Kabilang na muli sa Philippine team si world No. 3 pole vaulter EJ Obiena sa tulong na rin ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).

Si Obiena ay inindorso ng PATAFA sa Philippine Sports Commission (PSC) upang maging miyembro muli ng national team.

Kaagad namang kinumpirma ng PSC nitong Miyerkules ang reinstatement request ng PATAFA.

Sa pahayag ng PSC, nagsagawa na sila ng special board meeting nitong Sabado, kasama ang kinatawan ng PATAFA, kung saan inaprubahan na ang pagbabalik muli ni Obiena sa Philippine team.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinuportahan naman ni PSC Commissioner Bong Coo ang nasabing hakbang ng naturang sports agency.

Matatandaang tinanggal ng PATAFA si Obiena sa national team kasunod ng alitan ng dating pangulo nito si Philip Ella Juico na nag-resign sa nitong nakaraang Hunyo.