Tila deadma langang celebrity-vlogger na si Donnalyn Bartolome sa kabila ng mga batikos na natanggap niya kaugnay sa kanyang 'kanto-themed' birthday party noong nakaraang buwan.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Agosto 16, tila deadma lang si Donnalyn dahil aniya wala naman silang tinapakang tao. Bukod dito, nakita niya sa comments na marami ang na-inspire sa kuwento niya noong hindi pa siya sikat.

Sey niya, "My life before fame at di ko ikakahiya. Salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao."

"Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!!" dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinasalamatan din ng celebrity-vlogger ang mga 'kapwa kanto peeps' niya na dumipensa sa kanya.

"Thank you Oomph TV fam and thanks to all my kind hearted kapwa kanto peeps for defending me. I feel God’s love and promises through you."

Chika pa ni Donnalyn, 25 days inedit ang kanyang birthday vlog. Inedit din ito ng walong editors dahil umabot halos sa 10 oras ang footage ng kanyang birthday party.

"25 days to edit. 8 editors including myself, 9 cameras, 8-10 hours of footage edited down to 33 minutes para sa video na may puso. We reached 5.2 Million Views in 5 days!!"

Matatandaan na umani ng batikos mula sa mga netizen ang kanyang 'kanto-themed' birthday party. Anila, hindi na raw ito natuto.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/donnalyn-bartolome-hindi-na-raw-natuto-sey-ng-netizens/

Kaugnay na Balita: https://balita.net.ph/2022/08/16/xian-gaza-sa-birthday-party-ni-donnalyn-itoy-isang-malaking-insulto-sa-mga-taong-hirap-na-hirap-na-sa-buhay/