Nag-react ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap sa balak umano ng award-winning director na si Direk Joel Lamangan, na bumuo ng isang pelikulang kagaya ng MiM ngunit tila tatapat o sasalungat dito.

Matatandaang matindi ang mga binitiwang pahayag ng direktor na gumagawa rin ng mga pelikula sa ilalim ng VIVA Films, hinggil sa umano'y intensiyon at layunin ng MiM.

Kaya naman, gagawa umano si Lamangan ng isang pelikula, na ang punto de vista naman ay mula sa isang karaniwang pamilya bago umalis ang pamilya Marcos sa Palasyo.

Ibinahagi naman ni Yap ang quote card ng direktor mula sa isang pahayagan. Aniya, dati raw ay idolo niya ang direktor at ito ang inspirasyon niya sa paggawa ng pelikula. Ngayon daw, tila bumaligtad na ang mundo sa pagitan nila. Para kay Yap, isa itong "ultimate kilig".

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Ultimate Kilig."

"Dati yung mga gawa ni Direk Joel ang nagbibigay-inspirasyon sa akin…"

"Ngayon, naka-pattern pala sa gawa ko ang gagawin nila."

"Goodluck po."

Sa naging panayam ni Boy Abunda kay Yap, inamin ng direktor ng VinCentiments na matagal na niyang hinahangaan si Joel Lamangan, at sumagi sa isipan niyang makadaupang-palad o makatrabaho ito balang araw.

Samantala, may banat naman si Yap sa mga karaniwang paratang sa kaniya ng bashers.

"Hindi galing sa Filmschool"

"Hindi bahagi ng isang Showbiz Clan"

"Hindi nakipagkant**** sa may posisyon"

"Hindi gumamit ng kasikatan ng artista"

"Hindi sumisipsip sa boss"

"Hindi nanlilimos ng pagkilala"

"Hindi nanghahahamak ng katrabaho"

"Hindi nagmamagaling at Hindi Naiinggit."

"Sorry, pero Hindi."