Tila pinasasaringan ni Associate Justice Marvic Leonen ang isang 'kanto themed party' sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Agosto 17.

"Instead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is to be poor and find ways and means to assist," ani Leonen.

"To be poor is not something to celebrate by the rich. It is insensitive. Just saying," dagdag pa niya.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

https://twitter.com/marvicleonen/status/1559673309448519681

Wala man siyang nabanggit kung kaninong party ngunit ang usap-usapan ngayon ay ang naganap na 'kanto-themed' birthday party ng celebrity-vlogger na si Donnalyn Bartolome, na kung saan umani ito ng batikos mula sa mga netizen.

Ayon sa kanila, hindi na raw natuto ang aktres matapos ang kaniyang kontrobersyal na baby-themed photoshoot.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/donnalyn-bartolome-hindi-na-raw-natuto-sey-ng-netizens/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/15/donnalyn-bartolome-hindi-na-raw-natuto-sey-ng-netizens/

Samantala, sa isang Facebook post noong Martes, Agosto 16, tila deadma lang si Donnalyn sa kabila ng mga batikos.

Sey niya, “My life before fame at di ko ikakahiya. Salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao.”

“Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!!” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/08/17/donnalyn-deadma-sa-bashers-best-birthday-of-mine-so-far/