Nagsalita na rin ang social media personality na si Xian Gaza tungkol sa naging 'kanto' birthday party ng celebrity-vlogger na si Donnalyn Bartolome. 

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Agosto 15, naunang ibinahagi ni Gaza ang kaniyang picture noong panahon na wala pa siyang kapera-pera vs panahon na mayaman na siya.

"Yung litrato sa kaliwa ay kuha noong December 2018 sa Malaysia, mga panahong hampaslupa ako at walang kapera-pera. Ultimo pangkain ay pinoproblema. Yung picture naman sa kanan ay kuha kahapon sa upper cabin ng Emirates A380-800 aircraft. Now a multimillionaire with 9 digits personal net worth," aniya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Chika pa niya, masarap daw maging mayaman kaysa maging mahirap.

"Masarap maging mayaman kasi anytime ay pwede kang bumalik sa pagiging isang hampaslupa. You can eat street foods anytime you want. Pwede kang mag-commute kung sakaling matrippan mo lang," ani Gaza.

"Ang hirap maging mahirap kasi no choice ka, hindi mo afford ang buhay ng isang mayaman. Kahit gustuhin mong mag-celebrate ng birthday sa isang mamahaling restaurant in Paris eh hanggang kanto lang talaga aabot yung pera mo," dagdag pa niya.

Sa parehong post, sinabi niya na walang masama sa ginawa ni Donnalyn. Ang problema raw ay ginawa niya itong content para sa kaniyang vlog.

"Walang masama sa ginawa ni Donna. Privilege ito ng mga katulad naming milyonaryo," anang social media personality.

"The only problem is, ginawa niyang itong content for entertainment purposes. Very wrong. Buti sana kung inspirational film eh. Ginamit niyang tema o konsepto yung kahirapan ng mga ordinaryong Pilipino. Ito'y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay at gustong-gusto nang makaahon sa kahirapan pero hindi nila magawa," aniya pa.

Sey pa ni Gaza, honest mistake ito ng celebrity-vlogger, "hindi ito sinasadya ni Donna. Knowing her eh panigurado ako na wala ito sa kanyang intensyon. It's just an honest mistake. Two hits in a row. Nawa'y maging mas sensitive pa siya sa mga susunod na pagkakataon."

Matapos umere ang kaniyang vlog na “Kanto Birthday Party,” tila hindi na raw natuto si Donnalyn, sey ng mga netizen.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay inulan siya ng batikos dahil sa kaniyang baby themed birthday photoshoot.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/donnalyn-bartolome-hindi-na-raw-natuto-sey-ng-netizens/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/08/15/donnalyn-bartolome-hindi-na-raw-natuto-sey-ng-netizens/