May pangalawang hamon ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Direk Darryl Yap sa direktor ng "Katips" na si Atty. Vince Tañada.
Nag-react kasi si Yap sa pahayag ni Tañada na hindi flop ang kaniyang pelikula at matagumpay ito.
"Hindi rin kami flop kasi hanggang ngayon showing kami… sila daw 218 cinemas, kami 60 na lang, pero ang totoo 110 pa rin kami hanggang ngayon…" pahayag ng direktor sa isang panayam ng pahayagan noong Agosto 12.
Malaki umano ang kinita ng Katips, salungat sa mga lait na nilangaw ito sa takilya.
"Successful ang Katips dahil sobra-sobrang laki yung kinita ng Katips kumpara doon sa pinuhunan namin," dagdag pa ng direktor.
Kaya banat ni Yap, "CHALLENGE #2"
"Vince Tañada, POST YOUR CINEMA LIST."
"Para alam ng mga gustong manood ng pelikula mo kung saang 44 CINEMAS sila puwedeng manood. Para meron silang guide kung saang 44 CINEMAS sila malapit at kung saang 44 CINEMAS kanila puwedeng suportahan kasi 44 CINEMAS na yun, hindi na masama ang 44 CINEMAS, lagpas 43 ang 44 CINEMAS. grabe 44 CINEMAS dapat ipagpasalamat na ang 44 CINEMAS."
Ang challenge #1 ni Yap sa Katips direktor ay maglabas ng listahan ng kinita ng Katips simula day 1 hanggang sa kasalukuyan.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/10/darryl-yap-hinamon-si-atty-vince-tanada-ilabas-tunay-na-kinita-ng-katips/">https://balita.net.ph/2022/08/10/darryl-yap-hinamon-si-atty-vince-tanada-ilabas-tunay-na-kinita-ng-katips/
Samantala, wala pang tugon si Atty. Vince tungkol dito.