Suportado ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva ang pagpapatupad ng death penalty para sa big-time drug traffickers.

Iginigiit ni Villanueva na maipapakita ng parusahang katamayan kung gaano kaseryoso ang pamahalaan sa kampanya nito kontra ilegal na droga.

"Magkapareho naman tayo ng pananaw dito, Mr. Chair. But this time, dun lang tayo sa big-time drug traffickers, coddlers particularly sa gobyerno, and protectors dun sa mga elected public officials," ani Villanueva kay Senator Ronald dela Rosa, chair of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Matatandaan na isa si dela Rosa sa mga bumubuhay muli ng parusang kamatayan upang masolusyunan ang problema sa droga sa bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa senador, nakapaghain na siya ng panukalang batas hinggil sa usapin, gayundin sa pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ipaiiral aniya ang parusang kamatayan laban sa tinatawag na,”large-scale, high-level drug traffickers” sa bansa.

Nais ng senador na masaklawan ng nasabing pinakamabigat na parusa ang mga naaaresto sa pag-iingat ng isang kilo ng iligal na droga.

Samantala, sinabi ni Villanueva na ang parusang kamatayan ay magpapadala ng malinaw na mensahe kung gaano kaseryoso ang gobyerno sa pagwawakas sa banta na dulot ng mga mapanganib na droga.

"Magkapareho naman tayo ng pananaw dito (We have the same view about this), Mr. Chair. But this time, dun lang tayo sa (we'll just focus on) big-time drug traffickers, coddler particular sa gobyerno (in the government), and protectors dun sa mga (among) elected public officials," Villanueva told Senator Ronald dela Rosa, chair of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Ani Villanueva, ang intensyon upang ipasa ang death penalty ay upang habulin ang mga big-time na drug trafficker, coddler, financier, at protectors at upang wakasan ang supply, demand, at pinsala.

"Once na ma-isabatas natin ‘yan, ewan ko lang kung meron pang papatol diyan sa business ng illegal drugs," ani Villanueva.