Kahit inulan ng iba't ibang reaksiyon at komento tungkol sa kaniyang naging pahayag ukol sa kasaysayan, ipinagmamalaki pa rin ito ni Binibining Pilipinas 2022 1st Runner up Herlene "Hipon Girl" Budol, matapos sumalang sa pa-Q&A ni Karen Davila sa vlog nito.

Kinontra ni Hipon Girl ang kontrobersyal na pahayag ni "Maid in Malacañang" actress Ella Cruz tungkol sa "history is like tsismis".

Sa latest vlog ni Karen, muli niyang dinalaw at itinampok ang Binibining Pilipinas 1st Runner up matapos ang tagumpay nito sa naturang beauty pageant. Nag-house tour si Herlene sa bago niyang bahay na regalo sa kaniya ng talent manager na si Wilbert Tolentino.

Matapos nito ay nagsagawa ng "Q&A" si Karen kay Herlene. Isa nga sa mga naitanong ni Karen ay kung ang kasaysayan ba ay kagaya ng tsismis.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"No," matigas na sagot ni Herlene. "Para sa akin po, napakasimple lang po, huwag po nating daanin sa kung ano-anong explanation… ang history po is katotohanan, ang Marites, hindi totoo… para sa akin nga, ang mga historian mga teacher na nagtuturo ng mga kasaysayan. Ang Marites, parang CCTV, social media.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-kinontra-si-ella-cruz-tungkol-sa-history-is-like-tsismis/">https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-kinontra-si-ella-cruz-tungkol-sa-history-is-like-tsismis/

Sinagot din niya ang iba't ibang isyu gaya ng diborsyo, same-sex marriage, at abortion.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-aprub-sa-diborsyo-same-sex-marriage-di-pabor-sa-abortion/">https://balita.net.ph/2022/08/15/herlene-budol-aprub-sa-diborsyo-same-sex-marriage-di-pabor-sa-abortion/

Narito ang ilan sa reaksiyon at komento ng mga netizen na tila hindi pabor sa kaniyang sinabi at "pakikisawsaw" sa isyu lalo't nasa spotlight na siya ngayon dahil sa katatapos na beauty pageant stint.

"Ngayon ka pa lang nagniningning, baka gusto mong mawalan kaagad ng kinang. Sana huwag ka na lang nakikialam."

"Mas mabuti pa ito kaysa kay Ella eh."

"Hayan, sumawsaw na naman ang isang starlet sa kasikatan ng MiM."

"Deserve ang crown! Congrats, Hipon Girl!"

"Rume-relevant. Kasaysayan ng mapagpatol na beaucon na gustong magka-career, baka papasimula ka pa lang eh lumagapak ka na."

"Herlene Hipon Girl is > than Ella Cruz."

"Naku Hipon Girl, huwag ka na sana makisawsaw sa politika."

"Don't mind the bashers. Tama 'yan."

Sa kabilang banda, mukhang hindi naman alintana ni Hipon Girl ang mga negatibong komento dahil sa kaniyang nasabi. Sa katunayan, ibinahagi pa niya ang pubmats ng kaniyang naging pahayag, na ibinalita ng ibang pahayagan.