Inamin ng direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap na may lahok siyang pelikula sa Cinemalaya 2022, na hindi niya nai-promote nang ganap sa publiko dahil nga sa MiM.

Tsika raw sa kaniya, nang malaman daw ng ilang filmmakers na kalahok din sa naturang independent film festival na may entry doon ang kontrobersyal na direktor ay nagsipag-"boo!!!" raw ito.

Nakarating naman ito sa kaalaman ni Yap.

"Yes, I produced a Cinemalaya film," kumpirmasyon ng direktor sa kaniyang Facebook post noong Linggo, Agosto 14.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"I can’t publicly promote it because I have #MAIDinMALACAÑANG."

"Sabi sa akin, nung lumabas daw ang name ko nag-'boo' raw ang mga filmmakers na nasa bulwagan."

"Ano raw ang reaction ko…"

"Ito po: NOSI BALASI."

Ang "Nosi Ba Lasi" ay binaligtad na "Sino ba sila?" na pinasikat na awitin ni Sampaguita bilang bahagi ng Manila Sound, noong 70s.

Ito rin ang isa sa mga soundtrack ng MiM.