Tuluyan na ngang pumailanlang sa ere ng Primetime ang pinakabagong action series ng ABS-CBN; ang "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Trending sa Twitter ang pilot episode ng iconic serye, gayundin ang mga pangalang "Jane De Leon", "Janella Salvador", "Iza Calzado", "Valentina", at "Darna".

Image
Screengrab mula sa Twitter/Manila Bulletin

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Matagal nang inaabangan ang naturang proyekto na nagsimula bilang pelikula sana noong 2014, subalit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, ay naudlot ito nang naudlot, hanggang sa maging TV series na.

Naka-ilang palit na rin ito ng lead star, magmula sa orihinal na Darnang si Angel Locsin, na napunta ang bato kay Liza Soberano, hanggang sa mapadpad na nga sa mga kamay ni Jane De Leon.

Ilang palitan na rin ng direktor ang naganap, magmula kay Erik Matti, Jerrold Tarog, at ngayon ay si Chito Roño, katuwang sina Avel Sunpongco at Benedict Mique.

Ano nga ba ang reaksiyon at komento ng madlang pipol sa pilot episode?

"She auditioned, she did her best, until she was chosen as the new Darna and it was a unanimous decision among the members of the management. Jane De Leon worked hard for this!"

"Gusto ko ang daloy ng naratibo ng unang episode. Pero sorry, di talaga marunong umarte ang bida. Hindi natural. Padistort lang ng mukha at palaki ng mata."

"Although the CGI is not perfect, we can see the improvement pero the stunt scenes… LAVETT!"

"I love the stunts, the production value, and the ensemble cast, not to mention the narrative we really need right now calling us to be our own 'hero' to and for others. I'm all for it!"

"Parang Kenkoy pa ring CGI. No improvement. Ano ba 'yan!"

"Still not feeling it. Parang may kulang pa. And my goodness, the CGI could still be better. Imagine 2 years ginawa 'yan, but parang nung nag-air na, parang kakagawa lang last week?"

"Agree that there's a lot to be improved, but I think what the op was appreciating is the improvements vs prior offerings ng ABS, esp now na walang franchise so less ang budget. Also, 2 yrs natengga pero hindi 2 yrs ginawa yung show. Lock-in taping nila just months ago. Hehe."

"Jane said it herself in one of her interviews for us not to expect 'too much'. Honestly, I was expecting more but comparing it to other Pinoy fantaseryes, Darna has really stepped up."

"Bawi na lang sa akting kahit medyo hindi pa ganoon ka-wow ang CGI. Rooting for Valentina!"

"Jane de Leon did not disappoint. I'm surprised at how good and natural she is as an actress. But this one, THIS ONE! Iza Calzado ate the pilot episode — perfectly fitting to be Darna! Congratulations, @ABSCBN! That was a superb introductory episode!"

Napakain ba ni Darna ng alikabok ang katapat nitong action-fantasy series na "Lolong?"

Ayon sa ulat ng GMA Network na batay naman sa NUTAM People ratings, nakakuha ng 17.3% ang viewership ng Lolong habang 10.2% naman ang pilot episode ng Darna, sa pag-ere nito sa mga free Tv gaya ng TV5 at A2Z Channel 11.

May be an image of 4 people and text that says 'ISANG DAMBUHALANG PASASALAMAT SA INYO, MGA KAPUSO! AUGUST 15 LOLONG CombinedGMAandGTVchannels and GTV channels 17.3 Combined GMA Darna Combi +A2Z+ 10.2 Source: AMP People Ratings (Nielsen Phils. AM) WEEKNIGHTS 8:00 PM GMA Telebabad 9:40PM PM Gtu'
Larawan mula sa FB/GMA Network

Pero sa online platforms, umabot sa halos 815K views ang concurrent views ng Darna at trending pa ito sa Twitter. Ang Lolong naman ay nasa 80.2K views sa YouTube channel ng GMA Network.

Inaasahan pang mas tututukan at aabangan ang salpukan sa Primetime nina Darna at Lolong.